Saturday, March 30, 2013

Harry Potter’s british actor Richard Griffiths died at 65

Richard Griffiths and Daniel Radcliffe, photo (c) yahoo
LONDON (Reuters) – Ang British actor na si Richard Griffiths, na mas nakilala sa kanyang mga roles sa ‘Withnail and I’ at ‘Harry Potter’ films, ay binawian ng buhay sa edad na 65 matapos itong magkaroon ng komplikasyon dahil sa isinagawang heart surgery sa kanya, ito ang sabi ng kanyang agent noong nakaraang Biyernes.

Si Griffiths ay naging aktibo sa kanyang napiling propesyon sa radyo, pelikula, sa telebisyon, at sa teatro, at nakatanggap ng maraming top awards sa kanyang ginampanang role sa Alan Bennett’s play ‘The History Boys’.

Nakilala din sya sa pagiging Uncle Monty sa pelikulang ‘Withnail and I’ noong 1987, pero mas nakilala sya ng mga bagong fans sa kanyang pagganap bilang si Vernon Dursley, isang malupit na tiyuhin ni Harry Potter sa nasabing pelikula.

Ayon kay Daniel Radcliffe (ang batang si Harry Potter), kung saan ay nagkatrabaho din sila ni Richard sa stage play “Equus”, nasabi nitong ito ang nagbigay sa kanya ng encouragement at tinuruan sya nito upang maging ganap na aktor.

"Richard was by my side during two of the most important moments of my career ... any room he walked into was made twice as funny and twice as clever just by his presence. I am proud to say I knew him," pahayag ni Radcliffe.

Ang agent ni Mr. Griffiths na si Simon Beresford ay isinaad din kung anong pagkatao meron si Richard, "he is a remarkable man and one of our greatest and best-loved actors". Sabi ng agent na si Simon sa pagkamatay ni Griffiths sa hospital noong Huwebes.

Ang british aktor ay ipinanganak sa Thornaby-on-Tees sa Yorkshire, Northern England, at anak ng isang steel worker. Ang kanyang mga magulang ay parehong bingi kaya natuto syang mag sign-language para makipag usap sa kanila.

Matapos syang mag aral ng drama sa Manchester, nagtrabaho sya sa radyo at teatro, dito nabuo ang kanyang reputasyon bilang isang Shakespearean clown.

Gumanap syang muli bilang si teacher Hector sa pelikulang “The History Boys” noong 2006. Isa sa kanyang kilalang roles sa telebisyon ay bilang isang cookery-loving detective sa “Pie in the Sky”.

For more updates on kapamilya stars, like us in FACEBOOK, follow us on TWITTER kapamilya.

No comments:

Post a Comment

CELEBRITY NEWS