Home » , , , , , , , » MMK: November 3 Episode (Full Trailer) with Gina Pareno

MMK: November 3 Episode (Full Trailer) with Gina Pareno

Written By Vince Bitanar on Tuesday, October 30, 2012 | 11:02 PM


MMK Episode - Matapos ang 45 taon na pagiging kasal sa iba, muling pinaglapit ng tadhana ang childhood sweethearts na sina Eliza at Lito upang tuparin ang pangako ng pag-ibig nila sa isa’t isa. Ang kwento ng wagas na pagmamahalan nina Eliza at Lito ay bibigyang buhay sa “Maalaala Mo Kaya” ng dalawa sa pinakamahuhusay na beteranong aktor sa bansa na sina Gina Pareño at Dante Rivero. Sa gitna ng matinding pagtutol ng mga mahal nila sa buhay, paano mabibigyang katuparan ng dalawang pusong pinaghiwalay ng panahon ang pangarap nilang humarap sa dambana? 

Bahagi rin ng “MMK” ngayong Sabado (Nobyembre 3) sina Sunshine Garcia, Rodjun Cruz, Belle Mariano, Nathaniel Britt, Justin Cuyugan, Mike Lloren, Encar Benedicto, Gilleth Sandico, Paolo Serrano, Bryan Termulo, at Janica Pareño. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Joan Habana, at direksyon ni Raz de la Torre.

Watch below the Full Trailer of MMK this November 3:


For more updates, please log on to www.mmk.abs-cbn.com, follow MMK @MMKOfficial on Twitter, and like MMK in facebook www.facebook.com/MMKOfficial.
Share this article :

Post a Comment

CELEBRITY NEWS

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger