Home » , , , , , , , » Hanggang Wakas (Music and Lyrics) - Performed by Juris

Hanggang Wakas (Music and Lyrics) - Performed by Juris

Written By Vince Bitanar on Tuesday, February 26, 2013 | 8:11 PM

















Kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo
Katuparan ng pangarap ang ako’y mahalin mo
Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin
Ngayon nagtatanong bakit bigla kang babawiin
Kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan
Saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman

Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika’y nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko’y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas

Huwag ka nang mag-alala na ako’y mag-iisa
Pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin
Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin
Ngayon di na magtatanong kung bakit babawiin
Alam ko na ito’y paalam lang na pansamantala
Balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama

Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika’y nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko’y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas

Asahan mong pag-ibig ko’y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas

For more updates on kapamilya stars, like us in FACEBOOK, follow us on TWITTER kapamilya.
Share this article :

Post a Comment

CELEBRITY NEWS

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger