Home » , , , , » Zaijian Jaranilla

Zaijian Jaranilla

Written By Vince Bitanar on Sunday, September 16, 2012 | 7:00 AM


Si Zaijian Jaranilla ay ipinanganak noong August 23, 2001 na kung saan mas kilala sya sa tawag na "Santino" dahil sa role nya sa top-rating
teleserye na May Bukas Pa sa Dos. Siya ay isang Filipino child actor at television personality.

Sa mga magkakapatid sa Jaranilla family, Si Zaijian ang pinaka matanda sa tatlo. Sa kanyang kabataan ay nakaranas din sila ng problema sa financial at dahil sa paghiwalay ng kanyang mga magulang noong siya ay bata pa lamang, ay tumira sya sa kanyang Tatay na si Zenon, at kasama
nya rin ang kanyang lola, at kanyang dalawa pang kapatid na sina
Zildjan at Zymec

Si Zaijian ay  nadiskubre ng isang talent manager noong siya ay 5 taong gulang pa lamang.  Nagsimula si Zaijian bilang commercial model sa
ibat ibang product ng isang Fast food chain, Gatas, at sabon.

Nag audition sya sa Philippine entertainment network ng ABS-CBN, at naging cast sa , Komiks Presents: Tiny Tony, bilang batang Tony. Si Zaijian ay naging parte din ng pambatang gag show na, Goin' Bulilit at
sa kasalukuyan siya ay under contract sa ABS-CBN. Naging main role nya ang pagganap sa May Bukas pa bilang si “Santino” na tumutukoy sa pagiging mahiwaga ng kanyang character kasi laging nagpapakita sa
kanya si Hesus tuwing meron syang mga problema na tinawag nyang “Bro”.

Si Zaijian Jaranilla ay napanood din sa iba pang shows ng ABS-CBN gaya ng ASAP'09, Matanglawin, Ruffa & Ai, Wowowee, Entertainment Live, Rated K, Sharon, The Buzz, at SNN: Showbiz News Ngayon. Marami pang naging bagong palabas si Zaijian sa Dos matapos ang mga ito.
Share this article :

CELEBRITY NEWS

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger