Toni Gonzaga

Written By Vince Bitanar on Wednesday, September 5, 2012 | 8:33 AM


Si Celestine Cruz Gonzaga o kilala sa stage name na Toni Gonzaga, ay ipinanganak noong January 20, 1984. 

Siya ay purong Filipino, at sya ay isang singer, television host, aktres at isang model din. 

Si Toni Gonzaga ay kasalukuyang naninirahan sa Taytay Rizal, at siya ang pinakamatandang anak nina Carlito Gonzaga at Crisanta Gonzaga na tumatayong talent manager din ni Miss Toni.

Minsan nang naging barangay kagawad si Toni Gonzaga sa Taytay ng isang termino lamang at bilang isang School teacher sa kanilang simbahan “Evangelical church”.  Nag-aral sya ng Mass Communication at the Dominican College sa San Juan, Rizal sa loob ng dalawang taon. At sa kalaunan ay lumipat sya sa Asian Institute for Distance Education (AIDE) at pinalitan ang kanyang course bilang AB English.

Ang isa sa nagbigay ng kasikatan ni Toni Gonzaga ay nang makasama nya si Piolo Pascual sa isang TV commercial na tampok ang isang soft drink noong 2001. At mula noon ay sunod sunod na ang naging break ni Toni sa larangan ng TV at pelikula. Ang kanyang mga naging ambag sa ABS-CBN ng nagsimula sya dito sa industriya na to ay ang pagiging host sa isang entertainment talk show na The Buzz, at ang reality show na Pinoy Big Brother.  Siya rin ay makikita bilang performer sa musical variety show na ASAP. Nagkaroon din sya ng concert, at maraming Pelikula na rin ang nagawa nya sa Star Cinema at noong 2007 nga ay nakatanggap sya ng award na Princess of Philippine Movies ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation, Inc sa movie na "You are the One" kasama si Sam Milby.
Share this article :

CELEBRITY NEWS

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger