Kim Chiu

Written By Vince Bitanar on Sunday, September 9, 2012 | 8:43 AM

Kim Chiu

Si Kimberly Sue Yap Chiu, o kilala sa stage name na Kim Chiu ay ipinanganak noong April 9, 1990 sa Zhang Jinzhu China. Siya ay isang Filipino actress at singer din.  Nanirahan sya sa Cebu City bago sya pumunta ng Maynila para sumali sa Pinoy Big Brother. At dahil sa kanyang mass appeal at sa mga talents ay napagbigyan syang maging isang housemate. Si Kim Chiu and kauna unahang winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition at sa kasalukuyan sya ay parte ng ABS-CBN Star Magic contract artists. Naging isa na ring syang recording artist, at ang kayang unang album ay pinamagatang ‘Gwa Ai Di’.

Bilang Big Brother winner noong April 23, 2006, si Kim Chiu ay tinawag na Teen Big Winner na tumala ng 626,562 na boto galing sa mga sumusubaybay ng Pinoy Big Brother.  Ang pagkilala ay ginanap noon sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City. Siya pa lang ang housemate na hindi na nominado para ma evict o matanggal.

Anim na buwan matapos syang manalo, Si Kim Chiu ay nag karoon ng on-screen partner, si Gerald Anderson, na nakita sa iba’t ibang ABS-CBN shows, at sa mga pelikula.

Sa ngayon maituturing na isang magaling na aktres si Miss Kim Chiu dahil sa kanyang sunod sunod na proyekto sa dos, at marami pang pelikula pagkatapos noon.  Mapapanood din natin si Miss Kim Chiu sa Sunday Noon Time Show na ASAP.

Sundan ang mga pictures ni Kim Chiu dito sa aming website sa ibang mga araw lamang.
Share this article :

CELEBRITY NEWS

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger