Home » , , , , » Bea Alonzo

Bea Alonzo

Written By Vince Bitanar on Wednesday, September 12, 2012 | 7:00 AM


Si Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom o mas kilala sa screen name na Bea Alonzo ay ipinanganak noong October 17, 1987 sa Pilipinas.  Ang kanyang Ama ay isang Briton at ang kanyang Ina naman ay Filipina. Ang
kanyang mga magulang ay naghiwalay noong siya ay 4 years old pa lamang. Nag graduate sya ng grade 7 sa Philippine Women's University - Jose Abad Santos Memorial School, at sa Ususan Elementary School sa
Ususan and Colegio de Sta Ana sa may Taguig City.

Si Bea Alonzo ay isang television at Film actress, at singer. Nakatambalan nya sin John Lloyd Cruz na talagang humakot ng iba’t ibang pagpupuri sa kanilang mga fans sa TV man o sa Pelikula. Sa kasalukuyan siya ay parte ng ABS-CBN contract talents. Noong 2003, sa edad na 15, si Miss Bea Alonzo ay sumali sa TV drama na Kay Tagal Kang Hinintay, at sa kalaunan ay nagkaroon sya ng marami pang shows gaya ng It Might Be You, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Maging Sino Ka Man at Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik.

Noong June 2008, Si Miss Bea Alonzo ay nag release din ng kanyang debut album na pinamagatang “The Real Me” under Star Records.

At sa kalagitnaan ng taong 2008, Si Miss Bea ay binigyan muli ng break bilang leading character na Betty Pengson sa TV sitcom Yo Soy Betty La Fea, na kinuha sa orihinal nitong show sa Colombia. Ang Pilipino
version nito ay pinamagatang I Love Betty La Fea. Ito ay napanood sa local TV ng ABS-CBN noong September 2008 at sa primetime slot pa at ito ay tumakbo ng walong buwan.

Share this article :

CELEBRITY NEWS

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger