Home » , , , , » Angelica Panganiban

Angelica Panganiban

Written By Vince Bitanar on Wednesday, September 5, 2012 | 9:38 PM

Angelica Panaganiban


Si Angelica Panganiban ay ipinanganak sa may Payatas noong November 4, 1986. Siya ay may lahing Filipino-American. Ang kanyang ina ay isang Filipina (na kung saan ay namatay noong 2008 at inilibing sa Singapore) at ang kanyang tatay naman ay isang American galing ng Iowa, USA.  Ginamit nya ang parehong Apelyido ng nag kupkop sa kanya na mga Panganiban. 

Nagtapos si Angelica Panganiban ng elementary School noong 1999 sa St. Vincent in Teacher’s Village, Quezon City, at High School naman noong 2003 sa St. Vincent, West Avenue.  Siya ay naging Junior-Senior Prom Princess noong 2002 at naging Miss Junior and Senior Prom noong 2003. Dati rin syang naging cheerleader at editor ng kanilang school newspaper. Tumontong din sya ng College sa Thames International Business School, at Mass Communication and kanyang major.

Si Angelica ay nagsimula sa kanyang stage career noong bata pa sya sa edad na anim (6) sa kanyang unang show na Ang TV sa ABS-CBN. Nakita din sya sa ibat ibang drama bago sya naging lead sa soap opera at iba’t iba pang teleserye sa Dos. Nagkaroon na rin sya ng mga Movies sa Star Cinema at nakasama nya pa si Aga Muhlach at Maricel Soriano sa “A Love Story” na pelikula, hanggang sa maging full fledged adult dramatic actress sya at kinabibilangan dito ang pag ganap nya sa primetime drama series na Iisa Pa Lamang noong 2008. Nagkaroon sya ng isang television series na Rubi na kinuha sa sa isang Mexican telenovela noong 2010.  Sa kasalukuyan, Si Angelica Panganiban ay nag eenjoy sa kanyang bansag na comedian dahil sa kanyang natural na pagpapatawa sa Banana Split.

More Images:
Angelica Panganiban Photo Gallery 1
Angelica Panganiban Photo Gallery 2
Share this article :

CELEBRITY NEWS

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger