Home » , , , , , » Sarah Geronimo

Sarah Geronimo

Written By Vince Bitanar on Friday, August 31, 2012 | 1:55 AM


Si Sarah Asher Tua Geronimo, na mas kilala sa bilang si Sarah Geronimo o Sarah G. Siya ay ipinanganak noong July 25, 1988 sa Santa Cruz Manila. Ang kanyang mga magulang ay sina Delfin Geronimo (Retired Philippine Long Distance Telephone Company - PLDT employee), at ang kanyang ina naman ay si Divina Geronimo na may sariling Beauty Parlor sa kanilang tahanan. Si Sarah ay nag aral sa Dominican School Manila. Ang kauna unahang mga performance ni Sarah ay sa isang Mall Show noong siya ay nasa ikalawang gulang pa lamang. 


Sarah Geronimo

Sa edad na apat, doon sya unang nakita sa Television at naging isang miyembro ng isang pambatang show sa TV na Pen-Pen de Sarapen sa loob ng dalawang taon. Sa edad na anim na taon, kumanta sya sa isang concert show sa Isetann Cinema Complex sa may Recto Avenue Manila. Kumanta rin sya kay Pope John Paul II noong bumisita ito sa Pilipinas noong 1995. At sa edad na walong taon ay ipinasok na sya ng kanyang tatay sa Center for Pop Music Philippines na kung saan ay dito nya natanggap ang kanyang unang formal music at voice lesson.

Mula noon sunod sunod na ang kanyang mga performances sa mga hotel, campuses, mga shopping malls, at ang iba ay sa TV shows. Sa mga taon na ito ay kasali na si Sarah sa isang pambatang show sa ABS-CBN na "Ang TV", sa edad na siyam ay sumali si Sarah sa cast ng TV show na NEXT at naging tampok din sya sa Cameo role na Ang Munting Prinsesa na ginawa ng Star Cinema.

Mula dito ay patuloy ang pag angat ng kanyang kasikatan hanggang sa magkaroon na sya ng ibat ibang concerts at pumalo ang kanyang mga albums sa mga tagapakinig. Ang una nyang solo concert nya noong 2005 ay sa Smart Araneta Coliseum sa edad na 17 ay sya ang itinalaga na pinakabatang performer na pumuno ng Bid dome. At nagkaroon na rin sya ng mga movie shows kagaya noong 2008 na kauna unahang pag ganap nya sa movie na A very Special Love at ang katambal nya ay si John Lloyd Cruz. Ang pelikulang ito ay humakot ng limpak limpak na 170 Million o mahigit pa at marami pang ibang movie projects sa Star Cinema.

At dahil sa kanyang mga talents sa iba't ibang larangan sa pagkanta at sa pelikula, sya ay nakatanggap ng maraming awards isa na dito ang natanggap nya galing sa Aliw Awards bilang "Best Female Major Concert" award for Record Breaker at the "Entertainer of the Year" award kaya naman itinuring syang pinaka batang artist na makatanggap nito sa buong kasaysayan.  Sa kasalukuyan ay ipanagkalooban sya ng kanyang solong TV show sa ABS-CBN na "Sarah G".


Images of Sarah Geronimo:
Sarah Geronimo Photo Gallery 1
Sarah Geronimo Photo Gallery 2
Sarah Geronimo Photo Gallery 3 



Share this article :

CELEBRITY NEWS

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger