Latest Post

Sarah Geronimo

Written By Vince Bitanar on Friday, August 31, 2012 | 1:55 AM


Si Sarah Asher Tua Geronimo, na mas kilala sa bilang si Sarah Geronimo o Sarah G. Siya ay ipinanganak noong July 25, 1988 sa Santa Cruz Manila. Ang kanyang mga magulang ay sina Delfin Geronimo (Retired Philippine Long Distance Telephone Company - PLDT employee), at ang kanyang ina naman ay si Divina Geronimo na may sariling Beauty Parlor sa kanilang tahanan. Si Sarah ay nag aral sa Dominican School Manila. Ang kauna unahang mga performance ni Sarah ay sa isang Mall Show noong siya ay nasa ikalawang gulang pa lamang. 


Sarah Geronimo

Sa edad na apat, doon sya unang nakita sa Television at naging isang miyembro ng isang pambatang show sa TV na Pen-Pen de Sarapen sa loob ng dalawang taon. Sa edad na anim na taon, kumanta sya sa isang concert show sa Isetann Cinema Complex sa may Recto Avenue Manila. Kumanta rin sya kay Pope John Paul II noong bumisita ito sa Pilipinas noong 1995. At sa edad na walong taon ay ipinasok na sya ng kanyang tatay sa Center for Pop Music Philippines na kung saan ay dito nya natanggap ang kanyang unang formal music at voice lesson.

Mula noon sunod sunod na ang kanyang mga performances sa mga hotel, campuses, mga shopping malls, at ang iba ay sa TV shows. Sa mga taon na ito ay kasali na si Sarah sa isang pambatang show sa ABS-CBN na "Ang TV", sa edad na siyam ay sumali si Sarah sa cast ng TV show na NEXT at naging tampok din sya sa Cameo role na Ang Munting Prinsesa na ginawa ng Star Cinema.

Mula dito ay patuloy ang pag angat ng kanyang kasikatan hanggang sa magkaroon na sya ng ibat ibang concerts at pumalo ang kanyang mga albums sa mga tagapakinig. Ang una nyang solo concert nya noong 2005 ay sa Smart Araneta Coliseum sa edad na 17 ay sya ang itinalaga na pinakabatang performer na pumuno ng Bid dome. At nagkaroon na rin sya ng mga movie shows kagaya noong 2008 na kauna unahang pag ganap nya sa movie na A very Special Love at ang katambal nya ay si John Lloyd Cruz. Ang pelikulang ito ay humakot ng limpak limpak na 170 Million o mahigit pa at marami pang ibang movie projects sa Star Cinema.

At dahil sa kanyang mga talents sa iba't ibang larangan sa pagkanta at sa pelikula, sya ay nakatanggap ng maraming awards isa na dito ang natanggap nya galing sa Aliw Awards bilang "Best Female Major Concert" award for Record Breaker at the "Entertainer of the Year" award kaya naman itinuring syang pinaka batang artist na makatanggap nito sa buong kasaysayan.  Sa kasalukuyan ay ipanagkalooban sya ng kanyang solong TV show sa ABS-CBN na "Sarah G".


Images of Sarah Geronimo:
Sarah Geronimo Photo Gallery 1
Sarah Geronimo Photo Gallery 2
Sarah Geronimo Photo Gallery 3 



Enrique Gil Photo Gallery 1

Written By Vince Bitanar on Thursday, August 23, 2012 | 4:31 AM

Enrique Gil wearing stripes long sleeve shirt, so cute :)

 


  

Enrique Gil Close up shot





Sundan ang iba pang mga larawan ni Enrique Gil dito sa Artista Gallery.

Daniel Padilla Photo Album 1

Written By Vince Bitanar on Wednesday, August 22, 2012 | 7:58 AM

Daniel Padilla, cutie pie, how young was he when this photo was taken? (Photo Jojit Lorenzo)
Daniel Padilla, close up shot.

Daniel Padilla, perfectly shot, his eyes speaks so profoundly. Credit: Jojit Lorenzo.

    
Daniel Padilla in a black sweatshirt with hood

More Images for Daniel Padilla:

Visit this site for more of Daniel Padilla's photo album later.  Enjoy the tour. :)

Daniel Padilla

Written By Vince Bitanar on Friday, August 17, 2012 | 4:55 AM

Daniel Padilla (Photo: Jojit Lorenzo)
Daniel Padilla

Ang buong pangalan ni Daniel Padilaa ay Daniel John Ford Padilla na anak ng aktor ding si Rommel Padilla, isa syang aktor at recording artist at kasalukuyang talent sya ng ABS-CBN sa Star Magic.  Siya ay kasalukuyang gumaganap na sin Gino sa primetime Filipino Drama Princess and I.

Si Daniel Padilla ay ipinganak noong April 26, 1995, bilang anak ni Rommel Padilla at si Karla Estrada at dahil sa kanyang malakas na appeal sa kanyang mga fans "lalo na mga babae", minsan syang ikinukumpara sa kanyang Tito na si Robin Padilla na nakilala sa kanyang bansag na "Bad Boy" ng pelikulang pilipino.

Abangan ang mga larawan ni Daniel Padilla dito.

Enrique Gil

Written By Vince Bitanar on Thursday, August 16, 2012 | 8:07 AM

Photo from ABS-CBN: Enrique Gil

Si Enrique Mari Bacay Gil V(Quenito Gil) o kilala sa pangalan na Enrique Gil (Bilang Artista) ay ipinanganak noong Marso 30, 1992.  Siya ay halong Filipino-Spanish.  Sa kasalukuyan sya ay isang talent ng ABS-CBN Star Magic.  Naging sikat sya sa pag ganap ng role bilang si BJ sa teleserye na Budoy, at sa kasalukuyan sya at gumaganap na Prince Jao sa Princess and I na isang sikat na teleserye ngayon sa ABS-CBN.


Si Enrique Gil ay nagmula sa Cebu City, pangalawang anak nina Enrique Sr. at Bambi Gil. Ang panganay nyang kapatid ay si Enrique Jr. at ang nakababatang kapatid na babae ay si Diandra Frances. Nagtapos sya ng high school sa Manresa School sa Paranaque noon 2008.

Sundan ang kanyang mga larawan dito.

More Images of Enrique Gil:

Coco Martin Photo Gallery 1

Written By Vince Bitanar on Monday, August 13, 2012 | 8:30 AM

Ito na po ang bagong collection ng mga larawan ni Coco Martin, sundan pa ang mga susunod na album ni Coco Martin dito sa Artista Gallery.























Coco Martin

Coco Martin ABS-CBN Kapamilya
Coco Martin (Photo: Jojit Lorenzo)
Our new photo Artista for this week is none other than Coco Martin.

Si Coco Martin, na ang tunay na pangalan ay Rodel Luiz Cortez Nacianceno ay ipinanganak noong Nobyembre 1, 1981.  Siya ay kilala bilang Gawad Urian Awardee.  Naging sikat sya sa ibat ibang indie films (Independent Films) kaya naturingan syang Prince of Philippine Independent Films dahil sa  kanyang mga pelikula.  Nakilala din sya sa pag ganap nya bilang si Ramon Lecumberri sa sikat na teleserye "Tayong Dalawa".

Si Coco Martin ay tumira dati sa kanyang 70 year old lola na nagpalaki sa kanya. Meron syan limang kapatid, tatlo galing sa kanyang sariling mga magulang at dalawa ay mga kapatid nya sa kanyang tatay. Naging isang overseas worker si Coco Martin sa Alberta Canada bilang isang janitor.

Nagtapos sya ng HRM (Hotel and Restaurant Management) sa National College of Business and Arts.

Siya at nag simula sa ABS-CBN bilang isang talent sa Star Magic, parte ng Star Circle Batch 9.

Sundan ang kanyang mga larawan dito.




CELEBRITY NEWS

MOST POPULAR POST

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. Artista Gallery - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger